Tuesday, February 19, 2013

Self-worth

It all started last week. May mga bagay na akong nararamdaman. Mga bagay na nakakapagpabagabag sakin. Una, nakaranas ako ng sobrang babang grades. Ok lang sana kung hindi ako nag-aral eh pero todo akong nag aral para sa exam na iyon tapos malaman laman ko lang, bagsak ako sa quiz. Matapos ang lahat ng aking pagpupuyat. Pangalawa, Yung feeling na ibinigay mo ang lahat sa contest na sinalihan mo taps after ng pagpupuyat mo, after ng pagsasakripisyo mo sa maraming bagay, malalaman mo lang, TALO ka. Ang sakit lang. Hindi lang iyon. Pangatlo, at ang pinakamasakit, feeling ko, wala na akong kahalagan sa mga tao sa paligid ko. Feeling ko nilalayuan na nila ako. Mga kaibigan, kaklase, crush, kinakapatid, lahat sila, feeling ko di na ako pinapansin at feeling ko wala na akong halaga sa kanila. Sobrang nasasaktan na talaga ako kasi pano ba naman, lahat ng ito, sabay-sabay nangyari (at nangyayari)

Akala ko naman, lagi silang nasa tabi ko, eh bakit ganun, sa tuwing nagkukwento ako, parang hindi sila interesado makinig. Ang pagkukwento na nga lang sa kanila ang inaasahan kong solusyon para maibsan ang sakit na nararamdaman ko eh, tapos hindi pa sila makikinig. Lalo lang akong nasasaktan.

Kinakapatid ang tawag ko sa mga kaibigan kong sobrang ka close ko na ipinagkakatiwala ko na ang buhay ko sa kanila. Sa tuwing may problema sila (kahit yung mga kaibigan ko din naman), I always find time for them. Ayoko kasing maramdaman nila yung nagagawa sa akin ng ila kong mga kaibigan. Yung iniiwanan or kung hindi naman iniiwanan physically, pero sa ibang aspeto, iniiwanan na din. Makikinig ako sa mga hinain nila, magpapaload ako kung kailangan nila ng katext, etc. Alam ko kasi na kailangan nila ng makikinig sa kanila para maibsan ang mga problema nila pero kasi, kahit nag mga kinakapatid ko, feeling ko, iniiwanan na din ako. Oo, andyan nga sila sa tabi ko physically, pero parang kapag kailangan ko sila, ni kahit aura nila, di ko maramdaman.

In the past days kasi, feeling ko, iniiwasan na niya ako. Tapos, ang gusto mo lang naman ay pasayahin siya lalo na last week, noong 02-E-D (naka hexadecimal ito, convert niyo na lang sa decimal to know the date), pero nakita mo na masaya na siya, masayang masaya na siya sa iba (Sana lang talaga mali hinala ko). Oo, nagseselos ako, pero kasi ano ba naman ang karapatan kong mag selos. Una, di naman kami, at Pangalawa, di ko nga alam kung may pag-asa eh. Akala ko nga ang mangyayari ay yung napanaginipan ko eh (See: Ang Panaginip) pero tingin ko, sa ngayon, malabo. Sobrang nasasaktan na kasi ako. Sana nga, bigyan nya ako ng pagkakataon eh, Pagkakataon na ako'y lumigaya sa piling niya. Di ko naman sasayangin...

Sa sobrang dami ng problema na nangyayari sa akin, hindi ko na alam ang gagawin. Nagkanda kanda bagsak na ako sa mga exam, nilalayuan ng mga taong inakala ko ay laging nasa tabi ko...In short, I felt that wala na akong halaga. Ang sakit lang isipin kasi alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginagawang masama towards other people pero sa huli, gagantuhin ka pa. Ang sakit talaga umasa sa wala. Ang tanga tanga ko talaga kasi lagi na lang akong ganito.

Dati, sa Facebook at sa Twitter ko nilalabas lahat ng ka depressan ko. Pero kasi, sinasabi nila sa akin, SOBRANG CHILDISH daw. Oo, alam kong parang bata ang pag kilos ko pero hindi ba nila inisip kung gaano na kasakit ang mga dinadala ko. Sa sobrang sakit, wala na akong masabihan (kasi nga hindi naman nila ako iniintindi eh) Dahil wala akong masabihan, inilalagay ko sa Facebook and/ or sa Twitter ko, hoping na may isang tao na kakausap sa akin at kahit papaano, papasayahin ako. Yung mga taong hindi ko aakalaaing tutulong sa akin. Minsan, nagsasawa na rin kasi ako umasa sa ibang mga tao eh. Pero since na "parang bata na raw akong umasal, Ayun, naisipan kong i-Deactivate muna yung parehong account. Nasasaktan na kasi ako. Kahit din kasi mag post ako, wala namang kumakausap sa akin. Nagmumukha lang akong tanga at para na ring makaiwas ako sa mga pighati.

ALL I WANT IS TO BE SIGNIFICANT
ALL I WANT IS TO HAVE WORTH
ALL I WANT IS TO BE LOVED

I've been trying to be happy in my life but then, all I found are pain that shattered my heart and life...

P.S. Sorry for this post. Wala akong gustong siraan, awayin, or what. Inilalabas ko lang ang aking mga nararamdaman hoping na pag may nakabasa, mainspire sila na huwag iiwanan ang kanilang mga kaibigan kasi sobrang masakit ang feeling ng iwan ka, lalo na ng mga pinakamalalapit sa puso at buhay mo.

2 comments:

  1. oi. wag mo nga isipin na parang wala lang yung mga pagsheshare mo! :) thankful pa nga yung mga sinasabihan mo kasi you chose them to hear your stories, your shout-outs. please forgive us/me, kung di kami nakakabigay ng response na expected mo or any advice (in my part, yeah). basta, lagi mong tatandaan na you can count on us. God bless you.

    PS: wag ka kakain ng lechon kawali kung ayaw mong mahilo

    ReplyDelete
  2. uyyyyy, naiyak ako :(
    think about it, di lang ikaw nakaramdam ng ganyan so if it makes you feel any better, don't take this too much even if you think you can't handle it anymore. I know you can. He knows you can. :)

    ReplyDelete