Sa araw na ito, sobrang depressed ko pero ang saya lang kasi NAKITA ko si GOD na NGUMITI SAKIN. As in FACE TO FACE :")
Knanina, sobroang aga ko umalis ng bahay para lang mag-aral sa library ng Calculus. Though na nag-aral na ako ng mahigit sa isang linggo, tingin ko kailangan ko parin mag-aral so I decided na pumasok ng maaga. Then, nakarating ako ng school, 4 hours before the exam so todo aral ako. Ang dami kong sinolve na problems tapos sa sobrang adik ko na, nag solve ako ng malulupit na problems (e.g. yung mga equations na may e^x, sinx, secx) Ayun, nasolve ko naman siya kahit papaano. So sabi ko sa sarili ko, "Handa na ako"
Dumating yung exam, nagulat ako, kasi dalawang problems lang. At ang nagulat ako, compared sa mga sinolve ko sa library, sobrang simple ng binigay ng prof. Sabi ko, "yakang yaka to" pero sa sobrang kaba at pressure, nalito ako. Di ko nga alam kasi sobrang nag-aral ako pero nalito parin ako. Tapos ang masama pa, 5 minutes before ng time, sabi ng prof "Bawal gamitin yung 2nd Theorem of Pappus" Eh yun pa naman ang ginamit ko kasi madali kaya sobrang napressure ako at sinubukan kong palitan yung sagot ko. Ayun, nauwi sa wala :( After ng exam, para mawala yung depression at stress, bumili ako ng Shake sa Zagu. Tapos ayun, medyo nawawala na. Tapos noon, pumunta ako sa tita ko para gawin yung project ng pinsan ko. Sobrang antok na ako ng mga panahong iyon pero pinilit ko parin tapusin. After ko matapos yung project nya, pumunta kami ng pinsan ko sa SM San Lazaro para kumain. Tapos ayun, Kumain lang kami ng kumain. Nag Burger King at nag KFC kami. Sobrang busog ko pero sa sobrang depression, gusto ko pa kumain. (by the way, sobrang depressed ako kasi I'm aiming for a grade higher than 1.75 sa integral calculus para mahatak yung ibang subject pero mukhang isa pa ang calculus na kailangan kong hatakin pataas...) So ayun, after noon, I've decided na umuwi na. On my way home, I saw this little girl. Homeless and sobrang nakakaawa. Nanlilimos siya. Nakahiga sa lap niya yung kapatid niya. "Ang sinasabi pa niya noon, "Pangkain lang po" Sobrang naapektuhan ako noon. Kasi before, nakaexperience ako ng taong tinulungan ko at binilhan ko ng pagkain, pero pera parin ang hanap niya. Pero ngayon, sobrang iba. naghahanap siya ng pera para may makain. So I've decided na ibili ko sila ng food. Ginamit ko yung pang pamasahe na binigay ng tita ko sa akin. Dapat ilalaan ko sa savings ko iyon pero naisip ko, "Aanhin ko pa ang pera ko kung maraming nagugutom. Sana man lang gamitin ko ang ipon ko para kahit papaano, maibsan ang gutom nila" So ayun, bumili nga ako. Tapos, binigay ko sa kanila. Di ko napansin tatlo pala silang nanduon. ang una ko kasing bilang ay dalawa lang so dalawa lang binili ko. Pero ayun, sabi ko sa bata na may kasamang ngiti "Pakabusog kayo!" Though na di ko sila narinig na talagang nagpasalamat (pero parang bumulong siya eh na "Kuya, Salamat po") nakita ko talaga siya na ngumiti. Sobrang lungkot niya kanina (siguro dala na rin ng gutom) pero after ko siya bigyan ng food, SOBRANG SAYA NIYA at tsaka yung ngiti niya, di ordinaryo eh. Maraming ngiti na akong nakita, Ngit ng kaibigan pag pinagtitripan ako, ngiti ng magulan kapag may award ako, ngiti ni crush pag kinikilig, etc. pero IBA TALAGA YUNG NGITI NIYA. I SAW GOD IN HER, SMILING AT ME. Sobrang ganda talaga ng ngiti niya. Noong nakita ko iyon, sobrang napawi na lahat ng kalungkutan ko. Promise. Ang sweet tignan ng ngiti niya. Di ko matanggal sa isip ko yung ngiti niya. Ang Ganda kasi. First time ko makakita ng isang taong tinulungan mo, tapos ganun ka ganda yung ngiti. Kahit na hindi ko siya narinig umimik, yung ngiti pa lang niya, sobrang gumaan na loob ko.
In her, I saw and heard God telling me, "Son, do not sin again. Come home now. Come to Me. I am here, ready and willing to give everything just to make you happy." Through that girl, I felt LOVE. I prophesy na that girl will be happy in her life because though na mahirap at walang wala siya, she is able to share her happiness to other people. Ang sarap talaga maging bata, bata na alam na mahal na mahal siya ng kanyang AMA at INA :")
No comments:
Post a Comment