Di ko alam itong nararamdaman ko. Di ko alam kung siya na nga ba...Minsan kasi parang napapaisip ako kung yung pagpapahalaga ko sa kanya ay pareho lang sa kanya.
Naitanong nya kung kung ano ang gagawin ko kung malaman ko na yung akala kong taong nagpapahalaga sa akin, di naman pala ako ganun pinapahalagahan gaya ng pagpapahalaga ko. Ang sagot ko, kung ano ang magpapasaya sa kanya, kahit masakit sa akin, yun ang gagawin ko...
Di ko talaga alam kung bakit nya natanong sa akin ito pero nung tinanong nya sa akin ito, nagtaka ako...
Tapos yung taong minahal ko dati, yung may sobrang malaking age gap sa akin, ayun, nalaman ko na wala na sila nung taong mahal niya. Bakit ba ganito, parang minsan nararamdaman ko na MAHAL ko parin siya. Parang gusto ko uling sumubok sa kanya (kahit laging bigo ako sa kanya). Mahal ko pa ba siya?
Tsaka bakit ganito, nakakaramdam ako minsan ng SELOS sa taong minahal ko dati ng palihim na nagsisi ako kasi huli na ang lahat. Nagseselos ako sa BF nya. Bakit ganito? Mahal ko pa ba siya?
No comments:
Post a Comment