Sa panahon ngayon, sobrang hindi ko na alam ang uunahin ko...ang isipan ba o ang nararamdaman.
In the past experiences, lagi kong nauuna ang nararamdaman kaysa sa binubulong ng isipan...at anong resulta? SAKIT.
Ngayon, gusto ko ng unahin ang isipan ko. As in! Medyo di pa kasi ako handang masaktan eh. Sabi nga nila..."kapag iibig ka, dapat handa kang masaktan". Well totoo to. Pano ko nasabi? Eh sumubok akong magmahal at ang resulta...nasaktan ako. Na experience ko na ito at hindi biro ang masaktan.
Well, baka sabihin nyo na masasaktan ka lang kapag hindi mutual ang feelings nyo. Well, MALI! Mutual man o hindi, masasaktan ka at masasaktan. I tell you. Minsan na din akong nagkagusto sa isang taong hindi ako gusto at gusto din ako. And result, since ginamit ko ang puso ko, sa pareho ako nasaktan. (You would know how by reading my previous blog posts)
Medyo ngayon ko pa lang mararanasan gamitin ang utak ko. Well, sabi nga nila na walang masama subukan. At malalaman ko na kung ano ang pakiramdam unahin ang utak kaysa sa puso...
No comments:
Post a Comment