Thursday, May 3, 2012

Nalilito at nababaliw...

Sa mga panahon ngayon, sobrang nababagabag at nalilito na ako. May isang bagay kasi ang gumugulo sa aking isipan...at maging sa aking puso...

Hindi ko na kasi alam kung itutuloy ko ba...kasi...
- Oo...matagal mo nang gusto...pero matagal mo na din pinipigilan
- Oo...tingin mo MALAKI ang pag-asa mo sa kanya...pero tingin mo din na WALA ka talagang pag-asa sa kanya.
- Oo...medyo kilala nyo na ang isa't-isa...pero medyo hindi ka sigurado kung kilala mo na nga siya ng lubusan.
- Oo...lagi kayong magkasama...pero hindi mo sigurado kung hanggang katapusan, lalo na kung nalaman niya, magkasama parin kayo.
- Oo...tingin mo, nahuhulog ka na sa kanya...pero tingin mo ba at sigurado ka bang nahuhulog din siya para sa iyo?
- Oo...gusto mong subukan...pero natatakot ka na baka hindi niya pakinggan.
- Oo...tanggap ka niya kung sino ka...pero matatanggap ka pa kaya niya at ng mga tao sa paligid niya kung sasabihin mo ang nararamdaman mo?
- Oo...gusto mo magkaroon ng lugar sa puso niya...pero baka magkaroon ng malaking pagitan sa inyong dalawa.
- Sasabihin ba o...pipigilan na lang?
- PUSO ba ang siyang pakikinggan...o susundin ang siyang dinidikta ng ISIPAN?

Sobrang hirap. Hindi ko alam kung mahahantong ito sa Ika-7 Kabanata ng masasakit na karanasan o magiging kaisa-isang Kabanata ng isang Perpektong kwento na isinulat Niya para sa iyo. Hindi ko alam kung siya na ba o sadyang nalilito lang ang puso kong hindi marunong magisip.

Photo retrieved from: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2711877675724&set=o.167049929988404&type=1&theater


No comments:

Post a Comment