I'm now in a situation wherein my heart is confused with whom it beats for.
*Chapter 7 has been a very good friend and a special person to me. Nasa tabi ko siya lagi sa tuwing magtatagumpay at mabibigo ako. Hindi niya ako pinapabayaan. Lagi niya akong pinapatawa at pinapasaya. Pero hindi ko alam kung iitutuloy ko kasi alam kong kahit ganoon kami ka close, wala pa rin akong pag-asa sa kanya.
*Chapter 9 has been a good, nice, and special person to me. Lagi niya akong pinapasaya sa tuwing ako ay nalulumbay pero hindi gaya ni Chapter 7, minsan wala siya kapag kailangan ko siya pero kapag nandiyan siya, talagang pinapadama niya ba ako ay mahalagang tao. Hindi kami ganoon ka close compared kay Chapter 7 pero tingin ko may may pag-asa ako sa kanya ng 1% pero ano bang magagawa ng 1% kung sa pagkakaalam ko, may ibang tinitibok ang puso niya.
Sa ngayon, wala na akong nakikitang pag-asa sa kahit sino kanilang dalawa. Ewan ko nga ba kung bakit ganito ako. Always falling for the wrong person or maybe always falling for the right person at the wrong time. Hindi na talaga ako nagkaroon ng matinong emotional life. Minsan naiingit na lang ako sa mga tao sa paligid ko lalo na sa mga lalaking nagtatagumpay sa taong pinangarap ko. Minsan din narealize ko na pakiramdam ko mas worth it pa ako sa kanila pero bakit sila ang pinili ng mga pangarap ko. Ano ba ang wala sa akin na mayroon sila. Lagi na lang ako FRIENDZONED. What have I done wrong? Ni kahit kailan hindi ko hinayaang pumatak ang luha nila sa kanilang mga mata - kahit na ang kapalit noon ang pagpatak ng aking mga luha. Ano ba ang mga mali ko? Bakit ba sa lagi na lang akong broken-hearted. Nagtataka na nga yung mga tao sa paligid ko kung bakit daw wala pa akong lovelife. May itsura naman daw ako at masaya naman akong kasama. Ang sinasagot ko na lang sa kanila, I AM ALWAYS REJECTED AND I DON'T KNOW WHY.
Tingin ko hindi ako confused kung sino dapat. Tingin ko confused ako kung itutuloy ko pa ba...Sa sobrang sakit ng mga nakaraan ko, para bang nawalan na ako ng lakas ituloy ang kasalukuyan...lalo na kung ganito ang sitwasyon.
Ang sakit sakit lang masaktan ng paulit ulit. Oo, maraming isda sa dagat pero tingin mo gaganahan ka pa bang mangisda kung ni minsan hindi mo naranasan makahuli ng kahit isang dilis lang. Nakakapagod din lalo na kung akala mo siya na, wala pa pala. Yung tipong ang sakit na nga ng feeling na pinaasa, nakakadagdag pa sa pagod. Yung tipong magpapakita sila ng motibo parang ipagpatuloy mo pero sa huli mawawala na lang parang bula. Sana naman sa simula pa lang, hindi na nagpakita ng motibo para hindi na ako umasa...
Maraming makakabasa nito na magsasabi na over naman ako or what. I appreciate their criticisms pero ang masasabi ko lang na itong post na ito ay subjective at paraan ko lang ng paglalabas ng kung ano ang nasa loob ko.
*Ang tagal ng aming pagkakakilanlan ay mananatiling tago upang panatilihing lihim ang kanilang katauhan





