Thursday, October 4, 2012

To LOVE a Thousand people before I die

Minsan sa buhay, dumating yung point na tinanong tayo ng ibang tao tungkol sa pangarap natin. Madalas nating sabihin na gusto nating maging milyonaryo, makapunta sa ibang bansa, maging artista (isa sa pinakamadalas kong naririnig na sagot), magkaroon ng napakaganda/ gwapong asawa at cute na mga anak, makapagtabaho sa isang kilalang kompanya, makaimbento ng gamot sa AIDS o kung anu-ano pa mang mga sakit, maging magaling na imbentor, maging sikat, maging pangulko ng isang bansa, maging pulis, doktor, sundalo, abugado, pintor, "engineer", "nurse", o kung anu-ano pa mang mga karera sa buhay.

Oo, aminado akong pinangarap ko din ang mga ganitong bagay. Pinangarap kong maging doktor nung ako ay nasa kinder pa lamang. Pinangarap kong makapagtabaho sa Pixar Animation Studios, Disney Animation Studios, o di kaya naman sa Dreamworks Animation SKG. Pinangarap kong maging isang game designer sa Amerika. Pinangarap kong maging mayamang programmer o di kaya naman isang software analyst sa Singapore. Pinangarap kong makapunta sa Disneyland. Pinangarap kong maging ubod ng yaman. Ung tipong 1,000,000 pesos per day ang sweldo ko. Pinangarap ko ding umibig sa isang "prinsesa". Yung prinsesa na mamahalin ako kung sino ako. Yung hindi ako iiwan. Pinangarap ko ding iahon ang pamilya ko sa kahirapan. Piangarap kong magiging close ako sa pamilya ko.Pinangarap ko na laging bukas ang AirCon sa kwarto. Pinangarap ko ding magkaroon ng napakalaking bahay, ung Modern-Minimalist ung style. Pinangarap kong magkaroon ng computer na napakabilis. OO, ang dami kong pangarap sa buhay, marami dito, tila imposible ko makamtan...

Ngunit nagbago ang pananaw ko sa salitang pangarap...

Noong niyaya ako mag The Feast ng kaibigan/ mommy ko, wala talaga akong alam kung ano iyon at noong nasa kalagitnaan na ako ng session, sabi ko sa sarili ko, "Ah, ang corny, ito na ang first and last ko" pero may nangyari...

Noong niyaya ako ni Bestest na mag camp sa CFC-Youth for Christ, sobrang auko talaga sumama kasi hindi ko alam kung ang ang meron. Natatakot ako. Niyaya din ako ng friend ko na mag camp since head sya sa isang lugar. AUKO talaga mag camp, but something happened...

SOMETHING HAPPENED...well, simple lang, GOD called me closer to His love. Well, aun, kung dati, auko talaga pumunta sa Catholic Prayer Meeting na iyon, well now, ADIK na ADIK na akong pumunta. I make sure na every Sunday and/ or every Friday makakapag The Feast ako. Kung dati ayokong mag camp. Well, ngayon, gusto ko nang maging SERVICE TEAM sa camp.


What's the point of telling these stories. Simple lang, Laging mangingibabaw ang God's Plan. At dahil sa YOUTH FOR CHRIST, dahil sa LIGHT OF JESUS FAMILY, binago nila ang papanaw ko sa salitang PANGARAP. Kung dati rati iniisip ko lang ang sarili ko, ngayon, my greatest dream in life: TO BRING 1000 PEOPLE CLOSER TO GOD'S LOVE BEFORE I DIE. MADALING SABIHIN, pero I tell you, MAHIRAP gawin lalo na sa 18 years old na payatot na pandak tulad ko at lalo na kung wala kang commitment at conviction sa pangarap mo because I tell you, IF YOUR DREAM IS IN LINE WITH GOD'S PLAN FOR YOU, HE'LL HELP YOU THROUGH IT. Kaya kahit gaano ito ka heavy, I Claim the VICTORY! At alam ko, habang dahan dahan kong tinutupad ito, God will give me the little dremas in my heart...one by one tulad ng love of my life. I believe na God will give my a "princess" na mamahalin ako ng lubusan at tutulungan ako sa pagkamit ng pangarap ko. Alam kong bibigyan ako ni God ng financial assistance kasi alam nyang kulang ang resources ko. Alam kong God will provide. ALAM kong HINDI ako PAPABAYAAN ni GOD!

"I Can Do All Things Through Christ Who Strengthens Me"
-Philippians 4:13

No comments:

Post a Comment