Again, I think I'm falling for someone. Well, I really don't know if I'll let this feeling bloom to its fullest or kill it before someone suffers.
Naranasan ko na ma fall ng ilang beses. Fall na ma-fall in love and ma fall as in madapa kasi it seems na lagi akong rejected. Ewan ko nga kung bakit eh. I've done naman my best to show na I really care for her. I had endured a lot of pain maging masaya lang siya but then, wala talaga eh. Ang sakit lang talaga umasa sa wala. Btw, I never had a "intersecting" relationship...puro "asymptotic" (ito yung mga relasyon na akala mo sya na, sa huli, mawawala pa. Nakabase ito sa uri ng graph sa math na kung saan ang curve ay lalapit at patuloy na lalapit lang sa isang value pero kahit kailan, hindi ito magiintersect sa value na ito) at parallel lang (dito naman, kahit anong gawin, hindi lumalapit...as in same distance all throughout...para bang parallel lines)
Minsan, naitatanong ko sa sarili ko, ano ba ang pagkukulang ko? Nag mahal lang naman ako ng tapat pero bakit ganito ang isusukli sakin, KASAWIAN...KABIGUAN. Sa sobrang dami ko ng kabiguan, feeling ko may phobia na akong mag mahal...or I guess may takot na ako magmahal kasi may phobia na akong MASAKTAN.
Ganito ba kapag maliit, patpatin, payatot, mabait? Feel ko kasi, ang mga in ngayon ay ung matatangkad, macho, bad boy effect. Ewan ko ba...pero one thing's for sure, hindi ako magiging pa bad boy effect, maangas effect, or what magustuhan lang. Naniniwala parin ako na may isang prinsesang makakaapreciate sa mga bagay na pinaggagawa ko sa buhay.
Going back, feel ko nafafall na naman ako sa isang tao. Ewan ko pero kasi parang ang labong maging masaya ako. Ang hirap pala umamin lalo na pag natatakot ka ng masaktan. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag sinabi na naman sakin ang linyang "I'm Sorry Theo...I'm sorry kasi..." Ang sakit lang. Nakakainis lang kasi madalas kung sino pa ang hindi tapat, sila pa yung nasasabihan ng matamis na oo. Life is not fair ika nga.
Itutuloy ko pa ba itong nararamdaman ko sa iyo o sadyang pangarap lang talaga kita...basta kung masaktan man or hindi, gagawin ko lang ang lagi kong ginagawa, ang magmahal ng tapat at laging pasayahin ang taong iyon sa abot ng aking makakaya...
...kung mabibigyan lang sana ng pagkakataon...
No comments:
Post a Comment