Ayun, as always. Kung nagbabasa ka ng blog ko, malalaman mo na ang buong buhay ko ay puro kabiguan lalo na sa pag-ibig. Kahit kailan hindi pa ako nag succeed. Kahit na binigay ko na ang LAHAT LAHAT, well wala padin. Saludo nga ako sa mga WALANG KWENTANG LALAKI eh. Yung mga lalaking walang ginawa kundi mangolekta ng babae, sila pa ang nagkakaroon ng lovelife. Samantalang akong itong gagawin ang lahat, ako pa ang wala.
Ayun, mukhang ewan na naman ang koya mo. Mukhang natatanga na naman. Pano ba naman kasi, di ko na maintindihan ang mga babae.
Kasi, ewan ko ba pero kasi I think nagkakagusto na talaga ako sa isang babae na mukhang tingin lang sakin ay kapatid. In other words, Familyzoned. Pero di ko parin naman ito sure. Tapos, mukhang ako lang naman ang nagkakagusto sa kanya. Mukhang ni 1% na pag-asa, wala syang pinapakita. Well, ang dami ko nang ginagawang pagpaparamdam, di pa rin sya nakakahalata. Kulang nalang talaga sabihin ko na ONCE and FOR ALL...yun nga lang, baka masaktan ako ULIT for the NTH time. Tapos, nagkukwento pa sya about sa mga GWAPONG crush nya. It breaks my heart </3 para kasing lalo akong nawawalang ng pag-asa. Pero minsan naman, parang meron akong pag-asa but then di ko alam kung may pag-asa nga ako or sadyang FRIENDZONED ako...or mas magandang sabihin, BASTED.
Alam ko naman sa sarili ko na di ako yung BF material of the Prince Charming material na inaasam ng mga babae. Yung MACHO, GWAPO, MAYAMAN, MATANGKAD, MATALINO...pero gets...lahat naman ng tao, naghahangad na mahalin ng totoo. SOBRANG LASLAS NA DRE. Ang sakit na kasi. Subok ako ng subok, dadating sa point na aasa ka kasi parang may motibo syang pinapakita, tapos malalaman mo na sadyang Tinuturing ka nyang KAPATID or close friend kaya sya ganun. <////3
Nalilito na talaga ako kung talagang AAMIN pa ako sa kanya kasi baka talagang MADUROG na naman ang puso kong nagaasam lang na mahalin ng totoo.
MAGKAKAROON PA BA AKO ng LL?!!! ANG SAKIT na kasi eh...SANA naman kasi kung talagang wala akong pag-asa, sabihin na para di na masaktan.
No comments:
Post a Comment