Today, we went to Cardinal Santos Medical Center at the City of San Juan para makapag pa check-up. Ang lala na kasi ng ubo at sipon ko. At sobrang haba ng pila sa doktor. Pang 34 ako. Kaya napagdesisyunan kong mag-ikot-ikot muna. Sa pag iikot ko, napadaan ako sa isang lugar na kung saan may naalala akong bagay...
Sa lugar na iyon, naalala ko, na isang beses nung bata pa ako, nagpacheck-up kami. At tulad ng ginawa ko, nagikot-ikot muna ako. Habang nagiikot ako, may nakita akong CUTE na babae. OO, aaminin ko, napa CRUSH (at INFATUATED) at first sight ako. Ka age ko lang naman sya noon. (mga 3 years old siguro kami nun) SOBRANG GANDA NYA! At sa sobrang ganda nya, sinundan ko sya. Kahit na malayo na ako mula sa parents ko, sinundan ko padin. Ngunit, ayun, panandalian ko lang sya nakita nun. Kasi pauwi na din sila. Pero kahit ganun, sinindan ko padin sya hanggang carpark...Masasabi kong sya ang PINAKA UNA KONG CRUSH. First time tumibok ang puso ko ng ganun. HAHAHA :)))
Ngayon, ngayon, napaisip ako: "Sigh...kamusta na kaya sya...DI KO MAN LANG NAKUHA PANGALAN". Ang ganda lang talaga ng lugar kung saan unang tumibok ang puso ko, OSPITAL :)))
No comments:
Post a Comment