Saturday, April 20, 2013

Love? Family? I don't think so


My life has been miserable and incomplete. All I want is to be loved but look what I’ve found, pain.

Sigh. Yung inaasahan mo na ang unang magmamahal sa iyo ay ang pamilya mo, hanggang pangarap na lang. Sigawan dito, sigawan doon. Bangayan dito, bangayan doon. Sisi dito, sisi doon. Sobrang hirap ng sitwasyon ko kasi ang dami ko nan gang problema, pati ba naman sa bahay, wala akong makitang kapayapaan.

This is the main reason why, somehow, I don’t want to stay at home. Feeling ko kasi ako yung black sheep. Not loved, not given worth, not given importance, etc. Oo, they provide me with all my MATERIAL NEEDS ONLY. They cannot provide me emotional and spiritual needs. That’s what I really need.

Ang gusto ko lang naman ay yung ama na sobrang papahalagahan kung sino ako, handing tanggapin ang pagkakamali na nagawa niya, at yung handing magpakumbaba, maintindihan lang ako hindi yung SISIGAWAN KA LAGI KAPAG MAY MALI KA, MINSAN AYAW MANIWALA SA AKIN, AT SASABIHIN “SINO BA ANG TATAY SA ATIN?”

Ang gusto ko lang naman ay yung ina na puno ng kapayapaan at pagtitiwala hindi yung SISGAWAN KA NA LANG AT KUNG MINSAN, AYAW MANIWALA SA AKIN.

Ang gusto ko lang naman ay yung kapatid na kasangga ko sa lahat ng bagay at lagging aagapay sa akin hindi yung KAKAMUHIAN KANG NAGING KAPATID KA NIYA AT WALANG PAG GALANG SA AKIN.

Sabihin niyo nga, komplikado ba yung mga bagay na hinihiling ko. Ang gusto ko lang naman ay yung pagmamahal at pagaaruga na tama hini yung parang ituring kang HAYOP. Ang sakit lang isipin na KAHIT SA PAMILYA KO HINDI KO MAILABAS ANG PROBLEMA KO SA BUHAY KO KASI HINDI SILA NAGTITIWALA SA AKIN.

Nasabi nga sakin minsan na “HINDI KA KAILANGAN DITO SA PAMAMAHAY NA ITO” Sa loob loob ko lang, kung pwede nga lang eh, ako na mismo ang lalayas kasi sobrang nasasaktan na ako sa pamamahay na ito. Imbis na ito ang pangnahing pagkukunan ko ng lakas, ito pa ang pangunahing nagpapahina sa akin.

Hindi ko rin naman sa kanila masabi kasi MATATAAS PRIDE NILA EH, SA SOBRANG TAAS, HINDI NILA MARIRINIG ANG BOSES NG HAMPASLUPANG TULAD KO. Wala naman silang pakialam sa akin.

For sure, kapag nabasa nila ito, sisigawan lang nila ako at sasabihin, “BAKIT KA NAG SULAT NG GANITO?! HINDI KA BA NAHIYA SAMAKAKABASA NITO?!” Well, isa lang masasabi ko, kapag sinigawan nila ako, isa lang ibig sabihin, Sa hinaba haba ng sinulat ko at lahat lahat, hindi tumagos sa puso nila ang nais kong sabihin sa kanila na MAHAL KO SILA. OO, may mga pagkukulang ako. Inaamin ko yon. At dahil mahal ko sila, pilit kong iniintindi ang ugali nila, kahit sobra na akong nasasaktan. Sana naman making naman sila sa akin kahit ngayon lang pero imposible kasi mataas nga sila eh. Hindi ko sila maabot at kaya nga nila ako sinisigawan kasi kahit kalian, hindi nila kayang magpakumbaba..........kahit sa sarili nilang anak at kapatid. 

No comments:

Post a Comment