"Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, and whoever wants to be first must be slave of all. For even the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.” Mark 10:43-45 (NIV)
Before, pangarap ko lang ang maglingkod. Simula noong pumasok ako sa YFC-UST, sobrang nainspire na ako magmahal ng tao.
Two years ago, naging member ako ng YFC-UST Dance Ministry. Sobrang masaya ang naging experience ko. Sobrang bait ng tao. Sobrang saya talaga. Ang sarap maging member. Inaalagaan ka, minamahal ka, etc. After one year, na tap ako maging head ng ministry na iyon. I said yes kasi sobrang ganda ng naging experience ko pero after some time, SOBRANG NAHIRAPAN AKO. Ang daming oppression. Nahirapan ako maging head kasi una, bumaba grades ko. Pangalawa, ang hirap i handle ng buong ministry kung nakapag focus ka lang sa isang tao. Pangatlo, hindi ako naging magaling na head. Yung tipong head ka pero parang ikaw parin ang pinagsisilbihan. Ang dami kong naging mali. Ang sakit! Pero alam ko naman na may plano si God sakin kung bakit nangyari iyon. At medyo narerelalize ko na ngayon ang message Niya sa akin.
Una, ang paglilingkod al laging kaakibat ng matinding pagsasakripisyo. Sa paglilingkod, dapat may Self Denial & Delayed Gratification. Dapat kapag naglilingkod tayo, isinasantabi natin ang ating sarili at kagustuhan at kapag naglilingkod tayo, dapat hindi tayo nagmamadali makuha ang ating mga pangarap.
Pangalawa, magtiwala kay God. Noong head pa ako, naging less ang faith ko sa kanya. Akala ko kaya ko gawin mag-isa. Akala ko I can handle my grades all by myself. Consistent DL kasi ako habang member pa lang ako so akala ko kaya ko na pero ayun nga, nawala ako. Iyon ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ko. Dapat naglilingkod ka, buo ang pagtitiwala mo kay God kahit na it seems that wa nang pag-asa.
Pangatlo, magmahal lang. Noong naglilingkod ako, naging mayabang ako kasi Head nga ako eh. Pero narealize ko na dapat pag naglilingkod ka, kahit gaano kataas ang posisyon mo, maging humble at magmahal ka lang.
Oo, nagkamali ako pero hindi sumuko si God sa akin. Alam kong gusto Niya akong gawin na magaling na Servant. Hindi ko inakala na sobrang ganito na lang ako maglilingkod. Dati, sa YFC-UST lang ako naglilingkod pero ngayon, tinawag ako ni God na mas maglingkod at mas magmahal pa. Now, I'm currently serving CFC-YFC-UST as Dance Ministry Member and Creatives Ministry Member, CFC-YFC-South B3 as a Household Servant Leader, and CFC-YFC-South B9 as a Servant Member. Oo, mukhang imposible na ang ginagawa ko at mukhang pinapatay ko na ang sarili ko. Paano ba naman, 3 Lugar ang pinaglilingkuran ko ng sabay sabay. Pero nagtitiwala lang ako kay God kahit na gaano ito kahirap, alam kong tutulungan Niya ako. Alam ko na ito ang plano Niya sa akin kasi ito ang pangarap ko. Bring 1000 people closer to God before I die and this a way to bring them closer to God. I will love them and let them experience the Love of God. On the process, I may inspire them to be closer to God and maybe, start serving God through service to other people.
No comments:
Post a Comment