Saturday, March 31, 2012

Songs and Lyrics that changed my Life: Part Four


Grateful
Liveloud

You've given me this brand new day 
to serve and follow You 
You took my tears and made me smile 
You lifted me up


You gave me all the reason Lord 
to see things as gift from You
I'll go out and testify 
and shout to the world


I will lift Your name on high
I'll forever worship You
I'll serve You with all of my heart 
for You are my God
I'll forever be Grateful


When trouble comes my way
You are there to stay 
and everything will be alright
Now I know it's true
that this love is You
and I will live each day and say

Friday, March 30, 2012

I'll forever be GRATEFUL

Sa araw na ito, marami akong narealize. Di ko akalaing masasabi ko at ma di-distinguish ang kinaibahan ng plano ko sa Plano Niya.

Una, bakit naka capital ung P sa "Plano Niya" at hindi sa "plano ko". Simple lang. Naniniwala akong mas Greater ang Plano Niya kaysa sa plano ko. Para maintindihan pa ito lalo...

Kanina, nakikipag-usap ako sa kaibigan ko at out of the blue, nasabi ko ang kinaibahan ng Plano Niya sa plano ko. Ito ang nasabi ko:

"malalaman mo namang Plano Niya kasi sa una, SOBRANG SAKIT...pero sa dulo, SOBRANG SAYA. pag plano natin, SOBRANG SAYA sa una, pero SOBRANG SAKIT sa huli"

nagulat ako kasi nasabi ko ito. Ni hindi ko pa ito naririnig sa kahit kaninong tao eh. I guess, God used me in order na maenligten ang ibang mga tao.

Ngayon, sobrang Sobrang Grateful ko sa graces na handog Niya sakin. Kahit na halos puro sakit ang na experience ko, hindi Niya parin ako pinabayaan.

Nasabi ko nga, kahit hindi uli ako makaakyat ng stage, ang mahalaga, masaya ang mga kaibigan ko dahil na experience nila ang pagmamahal Niya na naexperience ko din, pero hindi lang Niya ako pinabayaan. :D Sobrang saya!

I'LL FOREVER BE GRATEFUL!

Thursday, March 29, 2012

Tragic Experience: Part Two

Yung feeling na napaka lakas talaga ng KUTOB mo sa mga bagay bagay...lalo na kung ung nakukutuban mo ay Kapahamakan mo...

March 29, 2012, about 11 pm

A friend of mine confirmed what I've been SENSING before...
Here is the Sitch:

Matagal ko nang nararamdaman na yung ika-6 na kabanata ay may gusto sa isang "kaibigan" daw niya. Pano ba naman, laging magkasama...

Maraming nagsasabi na magkaibigan lang sila...pero sa araw na ito, ayon sa kaibigan ko, MU na sila :)))

Imposible bang hindi magkatotoo ang tawagan nila ng "loves" kung parati nilang ginagawa.

Para sa akin, ayos lang ito kasi feel ko naman si "friend" ni ika-6 na kabanata ay mabuting tao kaysa naman sa isa pa nilang "friend".

Oo, medyo masakit, pero ganyan ang buhay at katotohanan eh, MASAKIT talaga. Sabi nga nila, kapag NASAKTAN ka, nagmahal ka ng totoo.

SENSE and INSTINCT, job well done :D

Sobrang Saya!

Ang saya lang na makita mo yung best friend mo na sobrang saya :) Yung feeling na x10 ung sayang nararamdaman mo. Kahit na hindi na ako mapabilang muli sa Dean's List, ang mahalaga sa akin ay yung makita siyang sobrang saya dahil hindi siya magdudusa sa summer :) 

Tuesday, March 27, 2012

Tragic Experience: Part One

Yung feeling na depressed ka...pero wala ka namang ginagawang masama o mali...

Siguro nga ganito nga ang feeling kapag mahalaga sa iyo yung isang tao. Na yung kabiguan nila, x10 ang dagok sa buhay mo. Oo, naranasan ko na mahulog at madapa, pero kakaiba ito. Sobrang sakit lang na nakikita ko yung isang taong mahalaga sa akin na madapa at magdusa. Di lang basta bastang sakit ah, times 10 dun sa sakit na naranasan ko nung ako yung nadapa. ANG SAKIT...

Ganito nga siguro ang feeling kapag naging bahagi na yung taong iyon sa buhay mo. At di lang basta bastang bahagi pero isang NAPAKAHALAGANG TAO...sigh...

Monday, March 26, 2012

Bestest!

Kung nagagawa kong mag-effort sa ibang tao, kung nagagawa ko ang lahat para lang sumaya ang ibang tao, sa Best Friend ko pa kaya na para sa akin, ang pinaka mahalagang regalo sa akin ni Lord God (bukod sa Pamilya) ! MAS MAHALAGA pa sa "anim na kabanata" ko sa buhay...

Malungkot, mabigo na ako at lahat lahat, wag lang ang best friend ko!

Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at mapangiti ka :)
>>:D<<

Songs and Lyrics that changed my Life: Part Three


God is Enough
Woodstruck

I hear Your voice Oh God
I feel Your presence
I have grown in love with You
What I only want is You Lord
Your grace is sufficient

Your embrace is all I needed
To be with You my God
Is all I ever desire

Oh God is enough for me
Nothing else will ever be
And I am satisfied
For I have found my peace.

I may be faced with worldly lures
I get confused at times
But Lord when I hear You call
I’m safe and I run to You

Oh God is enough for me
Nothing else will ever be
And I am satisfied
For I have found my peace.

Songs and Lyrics that changed my Life: Part Two

One Desire
Hillsong United


You gave it all for me
My soul desire 
My everything 
All I am is devoted to You
How could I fail to see
You are the love that rescued me
And all I am is devoted to You

And oh, how could I not be moved 
Lord here with You 
So have Your way in me
Cause Lord there is just one thing 
And that I will seek

This is my cry
My one desire
Just to be where You are Lord
Now and forever
It's more than a song
My one desire
Is to be with You
Is to be with You
Jesus

The one thing
The one thing I ask
Is to be with You

Hindi ko maintindihan...

Hindi ko maintindihan...pero mukang crush kita. :">

Unang paramdam sakin, simula ng taong 2011...
Ngayon, nagpapahiwatig na naman uli...


An Unfinished Love Story: Chapter 6-Part 2: I Give Up...

Before, Akala ko, napakalaki ng pag-asa ko sa iyo. Akala ko, One Sweet Day na ang magiging kanta natin sa buhay...akala ko, IKAW na ang magbibigay saking ng isang One Sweet Day...

...And I know you're shining down on me from heaven 
Like so many friends we lost along the way 
And I know eventually we'll be together 
One sweet day...  

Akala ko, maiibibigkas ko na ang "...And I know eventually we'll be together 
One sweet day... " sa iyo...

Akala ko...akala ko...

Tama nga sila, madaming namamatay sa MALING AKALA...

At ngayon, may maikakanta pa naman ako...

"There are nights when I cant help but cry
and I wonder why you have to leave me

why did it have to end so soon
when you said that you would never leave me

Tell me
where did I go wrong?
what did I do to make you change your mind completely
when I thought
this love would never end
but if this love's not ours to have
I'll let it go
with your goodbye..."

at...ito na lang ang masasabi ko...

"...I've got to move on and be who I am

I just don't belong here I hope you understand

We might find our place in this world someday

But at least for now I gotta go my own way..."


Ang tagal kong inantay ang pagbabalik mo...pero sa nakikita kong mga nangyayari ngayon, muhkang wala na akong aasahan pang babalik...

sana maging masaya ka sa desisyon mo...sa taong mga kasama mo...Sana makita mo din ang tunay na makakapagpasaya sa iyo...

alam mo namang gagawin ko ang lahat...kahit minsan ay masakit...at mukang ito na nga...

...pero kung kailangan mo ang tulong ko, tawagin mo lang ako...

...At wala na akong magagawa kung hindi pakawalan ka...







Tuesday, March 20, 2012

ISA PANG PARTNERS IN CRIME…BAKA NGA LANG SA FUTURE PA…


Ang Batang kasama ko dito ay isang batang di mo aakalain na magiging kabaligtaran ng inaakala mo. (Negets nyo ba?)
Ito si Marela. Kung tawagin sya ng mga taong malapit sa kanya ay “em”. Isa syang mabait na nilalang sa kasalukuyan pero baka maging KAAWAY ng BATAS sa HINAHARAP. Bakit kanyo? Simple lang…pinapangarap nyang maging DL. Ewan ko nga eh kung bakit sa dinami dami ng pedeng pangarapin, yun pa.
Kahit na ganun plano nya sa buhay, Napakabait nya. Kahit nanghahampas sya kapag natutuwa, masaya syang kasama. Isa lang talaga ang ibig sabihin kapag hinampas ka nya na bakas sa mukha ang kasiyahan, masaya siya. Hahahahaha :))
Lakas din sya mantrip.
Sinasabi nga nila sa akin na may pagka-loner daw sya pero sa tingin ko, di naman.
Idol ko din ito eh. Bakit? SIYA LANG NAMAN ANG NAKAPAGPAREALIZE SA AKIN NA HUWAG KONG IPAGPAPALIT ANG MGA KAIBIGAN KO SA ISANG SUBJECT SA SCHOOL!!!! (mahabang kwento kung papaano)
Ngayon, magiging ROBIN HOOD na sya samantalang ako naman ay magigingBEST FRIEND NI POOH (sana nagets nyo) pero kahit ganoon, kahit magkakalayo na kami, mananatili siyang Kaibigan ko. Isang TOTOONG KAIBIGAN!!!


PARTNERS IN CRIME


Ang batang ito na kasama ko ay napakabait pero pag nakakasama ko sya…parang nagtatransform. Isa sa mga dahilan, gaya nga ng sabi ng pamagat, kapartner ko sya sa paggawa ng…Ewan…
Ito si Camille. Nagkakilala kami nung first year pa kami. Noong mga panahong iyon, di ko pa sya ka close. Lagi akong dedma (ewan ko kung bakit ang sama ko sa mga tao). Kahit noong second year na kami. Natatandaan ko pa noon. Brigada Eskwela nun tapos nakita nya ako. Binati nya ako. Pero ayon di ko sya pinansin. Ang sama ko talaga. Pero lahat yun ay Pinagsisihan ko na. Promise :)
Noong 3rd year, ayun, medyo naging close na kami. Pero masasabi ko talaga na ka close na ka close ko na sya noong 4th year. Lalo na noong SportsFest. Noong lunch break, sabay kaming kumain kasama ang isa pa naming kaklase sa Mang Inasal. Sabi ko sa kanila sa Uulitin pero mukhang di na mauulit.
Partners in Crime kasi lagi kaming magkasama sa mga trip-trip nya sa buhay. hahahahaha
Camille, salamat sa lahat ha! Lalo na sa mga ginagawa natin sa fb. :)))))
Di kita makakalimutan :)

PRETTIEST person I’ve ever known


Ang kasama ko dito ay isang tao na kahit anong gawin, madapa, mapagalitan, tumawa, o maging wirdo man, maganda pa rin.
Siya si Athena, isang batang cute maging wirdo. Bakit kanyo? eto sasabihin ko…
Siya lang ang taong pangaaway ang paraan para maglambing
Siya lang ang tao na kahit anong isuot na damit, bagay
Siya lang ang kumakaway sa mga batang STRANGERS
Siya lang ang taong kapag tulog…RAKISTA
AT KAHIT GANYAN YAN…ISA PARIN IYAN SA BUMAGO SA PANANAW KO SA BUHAY
Una kaming nagkakilala (actually nagkita lang kasi di pa kami naguusap nung mga panahong iyon) noong kami’y nasa unang taon sa Mataas na Paaralan na Pang-Agham ng Paranaque. Noong kami ay nageensayo para sa Mr. and Ms. Parsci.
Dati ko pa nga naiisip na kamukha nya si Emma Watson eh…pero ngayong Ikaapat na taon ko na nasabi.
Sigh…Ngayon magkakawalay na kami. Matapos ang 3 taon naming pagsasama, kami ay maghihiwalay na ng landas. Siya’y tutungo na sa Katipunan Ave. at ako’y sa Espanya Blvd. (Ateneo sya at ako’y UST). Pero kahit ganoon, mananatili siya sa aking Puso, Isipan at Alaala habangbuhay. At kahit anong mangyari, maiipangako ko sa kanya na LAGI AKONG HANDA TUMULONG AT UMAGAPAY SA KANYA sa abot ng aking makakaya. :D
I’ll miss you Athena :)

BEST-est Person I’ve ever Met in my Entire Existence


Ang kasama ko dito ay isang batang masiyahin. Araw at Gabi, halos hindi mo sya makikitang malungkot.
Isang araw, nakilala nya ako. Nakikipagkaibigan siya sa akin nun pero eto ako…dedma. Parang walang nakita.
Pero dumaan ang mga araw at buwan, naging malapit naman sila sa isa’t isa. Sa sabrang lapit nila, nagiging takbuhan sila ng isa’t isa kung dumating ang pagkakataon na ang isa ay napaka problemado.
Nagpapasalamat talaga ako kay God na nakilala ko itong taong ito. Mahahalintulad ko siya sa isang Guardian Angel na ipinadala ni God.
Ito si Chris, ang aking matatawag na BEST-est Friend. BEST-est (kahit wala sa english dictionary) kasi siya ay parang superlative degree ng superlative degree na Kaibigan. Umulan man o umaraw, handang tumulong, handang makisaya, handang dumamay.
Kahit na noong 3rd year ko lang siya nakilala, masasabi kong parang ang tagal na naming magkakilala.
Kahit na minsan ay di kami nagkakaunawaan, kami nama’y nagkakaayos din.
Chris, isa lang ang masasabi ko…Salamat sa lahat ng bagay na nagawa mo sa akin.  Kahit na minsan ay di ko ito nasusuklian, maipapangako ko naman na LAGI AKONG HANDANG TUMULONG SA IYO! KAHIT NASAAN KA MAN!


LIFE


I SHALL DESIGN MY OWN FUTURE…
I SHALL FOLLOW MY OWN PATH…
I SHALL MARK MY OWN GOAL…
I SHALL ENGRAVE MY OWN DESIRE…
I SHALL MATERIALIZE MY OWN DREAM!


…no need to follow other’s paths or take any detours…
…be courageous and brave in facing any beast (problems) that will and might hinder you…
…Let HIM be the Light to guide you in your path…

AND REMEMBER:
…take the UNCHARTED PATH and make it KNOWN TO THE WORLD

Saturday, March 17, 2012

Ang Household na malupit at masaya

March 12, 2012
Sobrang kahit late na nagstart, sobrang hindi ako nagsisisi pumunta sa HH namin. Kumain ng kumain, Naglaro ng Ninja Wars (dun ko lang natutunan iyon) at syempre, kwentuhan :)

























Sobrang saya ng HH or beter yet, ITO ANG PINAKAMASAYANG HH :) Never thought that I'll be this happy. Ano kaya ang magyayari sa akin kung hindi ko nakilala ang mga taong ito...

Hindi ko man nararamdaman sa block ko (minsan) ang acceptance, dito, Sobrang feel na feel ko. 

Again, I LOVE YOU DANCE MIN >>:D<<

Songs and Lyrics that changed my Life: Part One

From the Inside Out
Hillsong United


A Thousand times I've Failed

Still your mercy remains
And should I stumble again
Still I'm caught in your grace



Everlasting, Your light will shine when all else fades
Never ending, Your glory goes beyond all fame



My heart and my soul, I give You control
Consume me from the inside out Lord
Let justice and praise, become my embrace
To love You from the inside out



Your will above all else, my purpose remains
The art of losing myself in bringing you praise



Everlasting, Your light will shine when all else fades
Never ending, Your glory goes beyond all fame



My heart, my soul, Lord I give you control
Consume me from the inside out Lord
Let justice and praise become my embrace
To love You from the inside out



Everlasting, Your light will shine when all else fades
Never ending, Your glory goes beyond all fame
And the cry of my heart is to bring You praise
From the inside out, O my soul cries out



My Soul cries out to You
My Soul cries out to You
to You, to You



My heart, my soul, Lord I give you control
Consume me from the inside out Lord
Let justice and praise become my embrace
To love You from the inside out



Everlasting, Your light will shine when all else fades
Never ending, Your glory goes beyond all fame
And the cry of my heart is to bring You praise
From the inside out, O my soul cries out



Everlasting, Your light will shine when all else fades
Never ending, Your glory goes beyond all fame
And the cry of my heart is to bring You praise
From the inside out, O my soul cries out
From the inside out, O my soul cries out
From the inside out, O my soul cries out. 



I want to emphasize the lines that are formatted bold. For those who loose hope about something, remember that the Good Shepherd will not leave any sheep from His Flock harmed. When we are lost, always remember that we will be rescued even how hard it may be. Just remember "...Everlasting, Your light will shine when all else fades..."






He Changed my Sadness into a Joyful Dance

March 9, 2012
The day na kung saan nangyari ang final event for this academic year ng pinakamamahal kong pamilyang YFC-UST Dance Ministry. We never expect na magiging sobrang ganun kasaya yung performance na iyo kasi maraming masasayang nangyari.

Una, Sinurprise ng buong DanceMin ang Heads namin at di naming akalaing maiiyak sila sa sobrang tuwa :) Ung simpleng tarp na WE LOVE YOU ATE MING AND KUYA PEEJAY ay makakapagbigay ng ganung saya.

Pangalawa, at last, kahit papaano, nakapanuod na ung kablock ko sa sayaw ko. Kay tagal ko talagang pinangarap iyon.

Pangatlo, sobrang saya ng Worship na nagyari

Pangapat, kahit na haggard kami, ang dami naming memories na masasaya at para sa akin, kailanman, hindi mapapantayan.





Ilan lang ito sa mga masasayang ala-ala :) Picures by Kathleen Monfort

Panglima, hindi dito natatapos kasi MAY NEXT YEAR PA ULI! New Faces at New Talents pero forever na hindi magbabago ay ang Pagkakaibigan at masayang Pagsasama ng bawat isang member.

At ang Huli at pinakaimportante, THIS WILL NEVER BE POSIBLE WITHOUT GOD :D Lagi syang nasa tabi ng bawat member. Hindi Niya kami pinabayaan kahit na gabi na kami nauwi at may tests, assigns, reports, projects o kahit ano pang activities sa school.

I LOVE YOU YFC-UST DANCE MINISTRY!!! >>:D<<

Friday, March 2, 2012

SERVIAM: The Joyful side of serving other people

SERVIAM? ano iyon? 
Ayon sa mga dictionaries, Serviam is a latin word that means "I WILL SERVE"

March 2, 2012...sobrang saya lang ng experience to serve other people. Sa araw kasi na ito Naganap ang isang event ng YFC-UST na pinamagatang "Level Up". Dito, ipinakita ng ilang piling YFC members sa UST ang kanilang angking kagalingan at talento sa Mr. and Ms. YFC at sa YFC's Got Talent. Sobrang saya lang at sobrang nakakainspire ang mga taong sumali. Pero mas maiinspire siguro ako sa mga taong nagtatrabaho behind all these things. Paano ko nasabi? Well...

Bago ang event, nakapunta na agad ako sa venue with some other members and syempre ang President ng YFC-UST na si Kuya Deejay Custodio. Sumama ako sa kanya without expecting something. Pagdating sa venue, sobrang nagulat ako kasi SOBRANG KAKAUNTI ng tao. I never thought na kaunti lang ang mga nagpepepare. Siguro kasi busy na ang most ng mga tao kasi malapit na ang finals week. Pagkapasok ko, nagulat ako kasi may tumatawag sa akin sa taas (ung part na may mga ilaw sa stage) Pinapunta ako doon sa TAAS (FIRST TIME) kasi they need help. Matapos ko tumulong mgakabit ng props sa taas, tinawag ako ni kuya Deejay at tinanong nya ako kung pwede raw bang maging secretariat. Without any hesitation, I said OPO. 

Paano ako nainspire? Siguro kasi kahit na wala silang ineexpect in return, nagseserve parin sila. At di lang basta nagseserve, kung hindi, nagseserve ng HINDI PILIT. I know it kasi habang nagsesrve sila, nadun parin sa kanila ang ngiti at tuwa at talagang makikita mong THEY LOVE WHAT THE ARE CURRENTLY DOING.
 
Kahit na medyo gutom na gutom na ako, tuwang tuwa ako mag serve. I never thought na one day, I'll be one of those people that are working behind the curtains and make the event possible. Without them, di magiging successful ang event. At syempre, WE DO IT ALL FOR HIS GLORY.

Thursday, March 1, 2012

An Unfinished Love Story: Chapter 1-6: Falling in love with "Princesses"

"Ang gusto ko lang ay mapasaya siya, ngunit sa huli, ako din pala ang magdudusa..."

Alam nyo ung feeling ng masaktan? Yung  tipong Ginawa mo na ang lahat para sa isang tao ngunit sadyang walang nangyari. Sadyang WALA...

Chapter 1-6? Bakit naman?

Anim na kabanata ng pag subok at pagdurusa sa huli...

Unang Kabanata...
Ung feeling na sya ung una mong "nagustuhan". Ung tipong alam ng magulang mo at lantaran nilang sinasabi na manugang na daw nila ung gusto mo. :)) Nakakatawa lang diba? Pero yun ang nangyari sa akin. Pero matapos nyong magkalayo...naging imposible na ang lahat. Sa huli, malalaman mo, WALA akong pag-asa sa kanya. 

Ikalawang Kabanata...
Ung feeling na na-"cute"-an ka sa kanya. At mula noon, tumibok na ang puso mo...
Halos maraming taon na din ang nakalipas mula noong nagkahiwalay ang landas nyo ni "kabanata 1". At ngayon, may nakilala ka. At dumating din sa point na sabi ng puso mo, gusto mo sya pero sabi ng utak mo, hindi. Nangyari un nung naging candidate kami sa isang pageant sa school. Nung nagbobotohan kung sino ang ilalaban at napili kami, halong saya at pagpipigil ang nanaig sa akin. Ngunit nanatili iyong damdaming iyon hanggang magkahiwalay kami ng landas. Matapos ang ilang taon, naging magkaklase uli kami. Doon ay naglakas loob na ako. Pero, mukang huli na ang lahat. Nalaman ko na WALA akong pag-asa sa kanya.

Ikatlong Kabanata...
Ung feeling na nagka "crush" ka sa taong di mo akalaing magugustuhan mo...
Nakilala ko ang taong ito sa uang taon ko sa HS, pero di kami close. Kilala ko lang sya by Name at Face. Matapos ang isang taon, naging magkaklase kami. Ang unang impresyon ko sa kanya ay mataray. Pero makalipas ang ilang panahon...nagka"crush" ako sa kanya. At mula noon, nakilala ko siya ng lubusan at Promise, mali ang una kong impresyon sa kanya. NAPAKABAIT niya. Noong nasa ikaapat na taon na kami, sinabi ko sa kanya na "crush" ko sya. At ayun, medyo natuwa pero ewan din :))) At di ko masasabing WALA akong pag-asa...pero di na ako umaasa sa kanya. Pero may problema ako...Mula 4th year camping namin (nakatabi ko sya sa bus na sinakyan namin), ewan ba, feeling ko...Heart beats fast. :)) tandaan, Mula noon. Ewan ko ba, tuwing nakikita ko sya, ganun nangyayari sakin, pero AYOKO ng umasa...total, kapatid turingan namin ngayon. Ok na siguro iyon :)

Ikaapat na Kabanata...
Ung feeling na sobrang natuwa ka sa kanya tapos aun...nagustuhan mo na siya...
Ewan ko ba kung bakit ba...Sa sobrang tuwa ko sa kabutihan niya sa akin, nagustuhan ko sya. Pero wag ko nang pahabain to, total, wala naman masyadong kaganapan eh. Basta aun, nalaman ko sa huli na WALA akong pag-asa. Pero masasabi kong masaya ako kasi alam ko na ung taong pinili nya ay kailanman, di sya pababayaan. :)

Ikalimang Kabanata...
Ung feeling na nagkagusto ka sa isang tao na ginawan mo ng mabuti tapos sobra kang natuwa kasi naapreciate nya ung ginawa mo sa kanya. Un feeling na UNA kang umamin ng PAG-MAMAHAL mo...
Ewan ko ba kung bakit sobrang bait ng taong ito eh. Itinawid mo lang ng kalsada, pinalitan nya ng Letter...
Take note, di pa kami masyadong close nun ah pero doon nagsimula ang lahat. Sa kanya ko unang naranasan ang magpuyat kakatxt. Sa kanya ko naranasan ang lumabas ng kayo lang bawat linggo. Sa kanya ko lang din itinuon ang buong summer ko. Sobrang madami kaming napaguusapan. Lagi kaming nagtatawanan. Akala ko SIYA na kaya ako naman si Tanga, UMAMIN na. :)))) Pero may problema, ung taong guto nya, nagkalabuan sila before pero nagkakaayos na sila nung umamin ako. (ata) At ngayon, WALA na talaga akong pag-asa sa kanya. Pero tanggap ko na, at least masasabi kong magkaibigan parin kami. 

Ikaanim na Kabanata...
Ung feeling na may GUSTO sayo ang naGUGUSTUHAN mo...kung baga, mutual ang feeling nyo sa isa't isa...
Masasabi kong ito ang unang beses kong nagkagusto sa isang tao na di ko aakalain na may gusto din sa akin. Sobrang saya ng feeling. Palagi kayong magkasama. Palagi kayong nagpupuyat para mag txt at tumawag. Ginigising nyo ang isa't isa. Ikaw ang una at huli nyang kausap sa araw...araw-araw. First time mo ring may taong SASANDAL sa balikat mo at first time mo rin makakaranas ng HOLDING-HANDS. As in sobrang saya. First time mo din magkaroon ng Valentine. Pero ANG SAKIT LANG ISIPIN na ung AKALA mo SIYA NA...AKALA MO KAYO NA...NAGING BATO pa :(((((((((( Una, DI LANG AKO ANG NAGKAKAGUSTO SA KANYA. PANGALAWA,...SOBRANG sakit...may hiniling siya sakin (space) pero feeling ko, di na sya babalik. Feeling ko, MALABO na. Medyo may narinig kasi akong may gusto na syang iba...Syempre, sino ba naman ako para Diktahan sya. KAUNTI na lang sana, aamin ako eh, pero it seems na imposible na. SOBRANG SAKIT. Pero dahil mahal ko sya, Tatanggapin ko kung ANO MAN ANG DESISYON nya. IHAHANDA ko na lang uli ang sarili kong masaktan ng TODO-TODO. </////3

Puro masasakit lang ang naranasan ko sa huli. Nasasabi ko nga na sana BATO na lang ang PUSO ko. ung bang MANHID. AYOKO na kasing MASAKTAN. SOBRANG DUROG NA DUROG na ako. Pero naisip ko, Mas makakabuti na rin siguro ito. Naniniwala kasi akong di pa tapos si BRO sa Love Story ko e. Ipagdadasal ko na lang ang mga mangyayari pa sakin sa hinaharap. Alam ko na may mas magandang plano sa akin si BRO.

I believe that GOD is not yet done writing the PERFECT Love Story for me. I know that someday, I will meet the right person for me in GOD's Perfect Time.