Ang kasama ko dito ay isang batang masiyahin. Araw at Gabi, halos hindi mo sya makikitang malungkot.
Isang araw, nakilala nya ako. Nakikipagkaibigan siya sa akin nun pero eto ako…dedma. Parang walang nakita.
Pero dumaan ang mga araw at buwan, naging malapit naman sila sa isa’t isa. Sa sabrang lapit nila, nagiging takbuhan sila ng isa’t isa kung dumating ang pagkakataon na ang isa ay napaka problemado.
Nagpapasalamat talaga ako kay God na nakilala ko itong taong ito. Mahahalintulad ko siya sa isang Guardian Angel na ipinadala ni God.
Ito si Chris, ang aking matatawag na BEST-est Friend. BEST-est (kahit wala sa english dictionary) kasi siya ay parang superlative degree ng superlative degree na Kaibigan. Umulan man o umaraw, handang tumulong, handang makisaya, handang dumamay.
Kahit na noong 3rd year ko lang siya nakilala, masasabi kong parang ang tagal na naming magkakilala.
Kahit na minsan ay di kami nagkakaunawaan, kami nama’y nagkakaayos din.
Chris, isa lang ang masasabi ko…Salamat sa lahat ng bagay na nagawa mo sa akin. Kahit na minsan ay di ko ito nasusuklian, maipapangako ko naman na LAGI AKONG HANDANG TUMULONG SA IYO! KAHIT NASAAN KA MAN!

No comments:
Post a Comment