Ang batang ito na kasama ko ay napakabait pero pag nakakasama ko sya…parang nagtatransform. Isa sa mga dahilan, gaya nga ng sabi ng pamagat, kapartner ko sya sa paggawa ng…Ewan…
Ito si Camille. Nagkakilala kami nung first year pa kami. Noong mga panahong iyon, di ko pa sya ka close. Lagi akong dedma (ewan ko kung bakit ang sama ko sa mga tao). Kahit noong second year na kami. Natatandaan ko pa noon. Brigada Eskwela nun tapos nakita nya ako. Binati nya ako. Pero ayon di ko sya pinansin. Ang sama ko talaga. Pero lahat yun ay Pinagsisihan ko na. Promise :)
Noong 3rd year, ayun, medyo naging close na kami. Pero masasabi ko talaga na ka close na ka close ko na sya noong 4th year. Lalo na noong SportsFest. Noong lunch break, sabay kaming kumain kasama ang isa pa naming kaklase sa Mang Inasal. Sabi ko sa kanila sa Uulitin pero mukhang di na mauulit.
Partners in Crime kasi lagi kaming magkasama sa mga trip-trip nya sa buhay. hahahahaha
Camille, salamat sa lahat ha! Lalo na sa mga ginagawa natin sa fb. :)))))
Di kita makakalimutan :)

No comments:
Post a Comment