Thursday, March 1, 2012

An Unfinished Love Story: Chapter 1-6: Falling in love with "Princesses"

"Ang gusto ko lang ay mapasaya siya, ngunit sa huli, ako din pala ang magdudusa..."

Alam nyo ung feeling ng masaktan? Yung  tipong Ginawa mo na ang lahat para sa isang tao ngunit sadyang walang nangyari. Sadyang WALA...

Chapter 1-6? Bakit naman?

Anim na kabanata ng pag subok at pagdurusa sa huli...

Unang Kabanata...
Ung feeling na sya ung una mong "nagustuhan". Ung tipong alam ng magulang mo at lantaran nilang sinasabi na manugang na daw nila ung gusto mo. :)) Nakakatawa lang diba? Pero yun ang nangyari sa akin. Pero matapos nyong magkalayo...naging imposible na ang lahat. Sa huli, malalaman mo, WALA akong pag-asa sa kanya. 

Ikalawang Kabanata...
Ung feeling na na-"cute"-an ka sa kanya. At mula noon, tumibok na ang puso mo...
Halos maraming taon na din ang nakalipas mula noong nagkahiwalay ang landas nyo ni "kabanata 1". At ngayon, may nakilala ka. At dumating din sa point na sabi ng puso mo, gusto mo sya pero sabi ng utak mo, hindi. Nangyari un nung naging candidate kami sa isang pageant sa school. Nung nagbobotohan kung sino ang ilalaban at napili kami, halong saya at pagpipigil ang nanaig sa akin. Ngunit nanatili iyong damdaming iyon hanggang magkahiwalay kami ng landas. Matapos ang ilang taon, naging magkaklase uli kami. Doon ay naglakas loob na ako. Pero, mukang huli na ang lahat. Nalaman ko na WALA akong pag-asa sa kanya.

Ikatlong Kabanata...
Ung feeling na nagka "crush" ka sa taong di mo akalaing magugustuhan mo...
Nakilala ko ang taong ito sa uang taon ko sa HS, pero di kami close. Kilala ko lang sya by Name at Face. Matapos ang isang taon, naging magkaklase kami. Ang unang impresyon ko sa kanya ay mataray. Pero makalipas ang ilang panahon...nagka"crush" ako sa kanya. At mula noon, nakilala ko siya ng lubusan at Promise, mali ang una kong impresyon sa kanya. NAPAKABAIT niya. Noong nasa ikaapat na taon na kami, sinabi ko sa kanya na "crush" ko sya. At ayun, medyo natuwa pero ewan din :))) At di ko masasabing WALA akong pag-asa...pero di na ako umaasa sa kanya. Pero may problema ako...Mula 4th year camping namin (nakatabi ko sya sa bus na sinakyan namin), ewan ba, feeling ko...Heart beats fast. :)) tandaan, Mula noon. Ewan ko ba, tuwing nakikita ko sya, ganun nangyayari sakin, pero AYOKO ng umasa...total, kapatid turingan namin ngayon. Ok na siguro iyon :)

Ikaapat na Kabanata...
Ung feeling na sobrang natuwa ka sa kanya tapos aun...nagustuhan mo na siya...
Ewan ko ba kung bakit ba...Sa sobrang tuwa ko sa kabutihan niya sa akin, nagustuhan ko sya. Pero wag ko nang pahabain to, total, wala naman masyadong kaganapan eh. Basta aun, nalaman ko sa huli na WALA akong pag-asa. Pero masasabi kong masaya ako kasi alam ko na ung taong pinili nya ay kailanman, di sya pababayaan. :)

Ikalimang Kabanata...
Ung feeling na nagkagusto ka sa isang tao na ginawan mo ng mabuti tapos sobra kang natuwa kasi naapreciate nya ung ginawa mo sa kanya. Un feeling na UNA kang umamin ng PAG-MAMAHAL mo...
Ewan ko ba kung bakit sobrang bait ng taong ito eh. Itinawid mo lang ng kalsada, pinalitan nya ng Letter...
Take note, di pa kami masyadong close nun ah pero doon nagsimula ang lahat. Sa kanya ko unang naranasan ang magpuyat kakatxt. Sa kanya ko naranasan ang lumabas ng kayo lang bawat linggo. Sa kanya ko lang din itinuon ang buong summer ko. Sobrang madami kaming napaguusapan. Lagi kaming nagtatawanan. Akala ko SIYA na kaya ako naman si Tanga, UMAMIN na. :)))) Pero may problema, ung taong guto nya, nagkalabuan sila before pero nagkakaayos na sila nung umamin ako. (ata) At ngayon, WALA na talaga akong pag-asa sa kanya. Pero tanggap ko na, at least masasabi kong magkaibigan parin kami. 

Ikaanim na Kabanata...
Ung feeling na may GUSTO sayo ang naGUGUSTUHAN mo...kung baga, mutual ang feeling nyo sa isa't isa...
Masasabi kong ito ang unang beses kong nagkagusto sa isang tao na di ko aakalain na may gusto din sa akin. Sobrang saya ng feeling. Palagi kayong magkasama. Palagi kayong nagpupuyat para mag txt at tumawag. Ginigising nyo ang isa't isa. Ikaw ang una at huli nyang kausap sa araw...araw-araw. First time mo ring may taong SASANDAL sa balikat mo at first time mo rin makakaranas ng HOLDING-HANDS. As in sobrang saya. First time mo din magkaroon ng Valentine. Pero ANG SAKIT LANG ISIPIN na ung AKALA mo SIYA NA...AKALA MO KAYO NA...NAGING BATO pa :(((((((((( Una, DI LANG AKO ANG NAGKAKAGUSTO SA KANYA. PANGALAWA,...SOBRANG sakit...may hiniling siya sakin (space) pero feeling ko, di na sya babalik. Feeling ko, MALABO na. Medyo may narinig kasi akong may gusto na syang iba...Syempre, sino ba naman ako para Diktahan sya. KAUNTI na lang sana, aamin ako eh, pero it seems na imposible na. SOBRANG SAKIT. Pero dahil mahal ko sya, Tatanggapin ko kung ANO MAN ANG DESISYON nya. IHAHANDA ko na lang uli ang sarili kong masaktan ng TODO-TODO. </////3

Puro masasakit lang ang naranasan ko sa huli. Nasasabi ko nga na sana BATO na lang ang PUSO ko. ung bang MANHID. AYOKO na kasing MASAKTAN. SOBRANG DUROG NA DUROG na ako. Pero naisip ko, Mas makakabuti na rin siguro ito. Naniniwala kasi akong di pa tapos si BRO sa Love Story ko e. Ipagdadasal ko na lang ang mga mangyayari pa sakin sa hinaharap. Alam ko na may mas magandang plano sa akin si BRO.

I believe that GOD is not yet done writing the PERFECT Love Story for me. I know that someday, I will meet the right person for me in GOD's Perfect Time.

No comments:

Post a Comment