Ang kasama ko dito ay isang tao na kahit anong gawin, madapa, mapagalitan, tumawa, o maging wirdo man, maganda pa rin.
Siya si Athena, isang batang cute maging wirdo. Bakit kanyo? eto sasabihin ko…
Siya lang ang taong pangaaway ang paraan para maglambing
Siya lang ang tao na kahit anong isuot na damit, bagay
Siya lang ang kumakaway sa mga batang STRANGERS
Siya lang ang taong kapag tulog…RAKISTA
AT KAHIT GANYAN YAN…ISA PARIN IYAN SA BUMAGO SA PANANAW KO SA BUHAY
Una kaming nagkakilala (actually nagkita lang kasi di pa kami naguusap nung mga panahong iyon) noong kami’y nasa unang taon sa Mataas na Paaralan na Pang-Agham ng Paranaque. Noong kami ay nageensayo para sa Mr. and Ms. Parsci.
Dati ko pa nga naiisip na kamukha nya si Emma Watson eh…pero ngayong Ikaapat na taon ko na nasabi.
Sigh…Ngayon magkakawalay na kami. Matapos ang 3 taon naming pagsasama, kami ay maghihiwalay na ng landas. Siya’y tutungo na sa Katipunan Ave. at ako’y sa Espanya Blvd. (Ateneo sya at ako’y UST). Pero kahit ganoon, mananatili siya sa aking Puso, Isipan at Alaala habangbuhay. At kahit anong mangyari, maiipangako ko sa kanya na LAGI AKONG HANDA TUMULONG AT UMAGAPAY SA KANYA sa abot ng aking makakaya. :D
I’ll miss you Athena :)

No comments:
Post a Comment