Wednesday, April 18, 2012

Ang ayoko sa lahat ay yung nagpaplano...

Well, hindi naman sa lahat pero siguro duon lang sa mga taong pinapakisamahan ko. Sobrang nasaktan na ako sa kakaplano eh. For example, Nagplano kami ng isang tao na manunuod ng movie na paborito niya about 6 months before the showing and guess what, HINDI NATULOY. Ang SAKIT diba? Ito, isa pa. Nagplano naman kami ng isa pang tao na pumunta sa isang Sikat na Theme Park ngayong summer. Nga pala, naisip namin iyon noong December 2011 pero ayun, HINDI NA NAMAN NATULOY. Sobrang sakit! Bakit? E umasa ka ba naman kasi sa isang masayang bagay pero eto, WALA.

Btw, mga "kabanata" nga pala sila sa buhay ko. (Kung nagbabasa ka talaga ng blog ko, alam mo ang ibig sabihin ko)

Lesson Learned, Kung ayaw mong masaktan, HUWAG MAGPAPLANO ng isang MASAYANG EVENT ng NAPAKAAGA...lalo na kung related ang mga "kabanata" or ang isang posibleng maging isa.

Sabi nga nila, mas natutuloy pa ang mga biglaang yaya kaysa sa mga planadong events...

No comments:

Post a Comment