Most ng mga bloggers ay naglalagay ng introduction sa panimulang bahagi ng kanilang mga blog. Dito sinasabi nila ang maaaring iexpect ng mga mambabasa or dito ay ipinapakilala nila ang sarili nila sa mga tao.
Pero napansin niyo ba na wala ako noon? Bakit?
Una, privacy. Kahit papaano, internet pa rin ito :D
Pangalawa at ang pinaka-mahalaga, Ayokong diktahan ang mga mambabasa kung sino ako. Gusto ko makilala nila ako sa kanilang sariling "perspective" at pananaw sa pamamagita ng pagbabasa ng aking mga blog posts. Tingin ko, mas makakabuti at maganda ito.
PS: Sorry na lang kung minsan mayroong mga wrong grammar usage sa mga posts ko :D Ang importante dito ay EXPRESSION OF ONESELF (Expressionism than Impressionism; Express than Impress) :D
No comments:
Post a Comment