Sunday, April 1, 2012

Sino nga ba ang mga taong pakikisamahan mo?

Natatandaan ko pa, nasabi sa akin ng isa kong friend na best friend na niya yung specific na tao. Pero nasabi ko sa kanya..."...sigurado ka bang best friend mo na iyan?" 

Hindi sa nagdududa ako sa taong iyon (sa totoo lang pinagkakatiwalaan ko yung taong iyon eh) pero kasi to make a person na nakilala mo in just 10 months as your best friend ay isang desisyon na maaaring" makasira sa pagkatao mo. Well, bakit? Una, 10 months is not enough para makilala mo ng lubusan ang isang tao. It takes YEARS of PAIN and CHALLENGES. Isa pa, para sa akin, masasabi mong mapagkakatiwalaan ang mga taong ito kapag dumating na yung sitwasyon na WHEN ALL ELSE FAILS...yung talagang WALANG WALA ka nang magagawa kung hindi ang umiyak at magdasal sa sobrang sakit. Masasabing maaasahan mo sila kasi HINDI ka nila iniiwan. OO, close nga kayo kapag masaya, pero CLOSE pa nga ba kapag nagkagipitan na? Pangatlo, minsan, yung mga taong hindi mo kinikibo, sila pa pala itong mas may care sa iyo.

Maraming sitwasyon ang makakapagsabi kung totoo nga ba ang isang tao sa kapwa niya at ilan lang ito. Syempre, depende sa iyo yan kung paano mo sila makikilala pero sana isaisip mo na pipiliin mo iyong mga tao na HINDI ka iiwan kahit SILA pa ang NASASAKTAN. Yung willing silang ibigay ang sarili nila KAHIT WALANG KAPALIT. Syempre, huwag mapang-abuso. Suklian mo din naman ang ginagawa nila sa iyo. HINDI ng materyal na bagay kung hindi ng PAGMAMAHAL, PAGAARUGA, at yung PRESENCE mo kapag siya naman ang down na down. Kung baga, WALANG IWANAN.

Tandaan, It takes YEARS OF PAIN, HARDSHIPS, AND CHALLENGES para makilala mo ang mga taong ito. Huwag basta bastang mag co-commit sa isang taong nakilala mo lang basta basta. Hindi purkit masaya kayo, best friend mo na. Masasabi mong Best Friend mo siya sa oras na walang wala ka pero nandyan parin siya para palakasin ka at HATIAN KA SA SAKIT NA NARARAMDAMAN mo...minsan pa nga, AANGKININ niya ang SAKIT, HUWAG ka lang MASAKTAN.

Basta, kapag ang ugali niya parang ASO, mapagkakatiwalaan mo na iyan!

No comments:

Post a Comment