Wednesday, April 25, 2012

May mga tao na...

Sa totoo lang, ang laki ng pagkakamali ko. Masyado kong hinuhusgahan ang mga tao batay sa "first impression". Bakit?

Sa tuwing nakikita ko ang mga tao bilang isang magandang pakisamahan kahit kakakilala ko pa lang sa kanila, napapanatag na ang loob ko sa kanila not knowing na ibang-iba sila kapag nakilala mo ng lubusan. Sobrang dalas itong nangyayari sa akin lalo na sa unang taon ko sa kolehiyo. Kung baga, kung tingin ko mabait ka, sa iyo ako sasama. Ngunit sobrang mali ito. Naranasan ko na kasi makakilala ng mga taong sobrang bait sa umpisa ngunit sobra naman silang makasaksak sa likod mo. Yung tipong napaka-close niyong dalawa ngunit sadyang ayun, nababalitaan ko na lang na sinasaksak ka na sa likod at kung anu-anong paninira ang ibinabato sa iyo. At yung mga taong akala ko mayabang at masama, sila pa pala ang tutulong sa akin. Kung sino pa yung sobra makapanlait, sila pa pala yung aagapay sa iyo. Sabi nga nila, nasa huli nga ang pagsisisi pero nagpapasalamat parin ako kasi nakilala ko parin yung mga taong akala ko masama, ngunit busilak naman pala ang puso. 

Kaya sa sususnod, gamitin natin ang ating puso sa pagkilala sa tao. Huwag tayong titingin sa pisikal na kanyuan nito. Sabi nga nila: True beauty is seen only when the eyes are closed. 

No comments:

Post a Comment