Monday, April 16, 2012

My One and Only "Hasbond"

Yung feeling na ang hasbond mo ay babae :) Well, tawagan lang naman iyon. Sa katunayan, she is one of the best persons that I met and have in my life. 

Una kaming nagkakilala noong 3rd year high school kami. Masasabi kong she CHANGED my point-of-view sa buhay. Before kasi, I was a loner but then when I met her, binago niya iyon. Paano? Well, kaya lang naman kasi ako naging loner ay feeling ko walang taong tumatanggap sa akin. Well, binago niya iyon. Sa katunayan, sobrang close kami eh. Sa sobrang close namin, naging tawagan na namin ay Hasbond at Wayp. Siya ang NAGIISANG Hasbond ko at Ako naman ang Wayp niya.

Sobrang natutuwa ako sa kanya. Biruin mo, laging nakasmile kahit na medyo problemado siya. Tapos, naalala ko, Ang taas ko sa isang Test namin dahil sa pagrereview niya sa akin.

Gusto niyo na ba malaman kung sino ito? Ito lang naman si Erika Panganiban, ang aking Hasbond at isa sa mga Anghel ko sa buhay. 

Eka, alam kong medyo nagseselos ka about sa alam mo na, pero ito lang tandaan mo, Ikaw lang naman ang isa sa mga nagpabago sa pananaw ko. At sobrang Best Friend din kita noh. Salamat nga pala sa pagsuporta at sa pagsakay sa mga trip ko at pasensya na kung sakaling nasaktan kita. Basta tandaan mo lang, kapag kailangan mo ako, dito lang ako sa tabi mo :D


1 comment: