Pilit kitang kinakalimutan sa puso ko...
Oo, tingin ko nahulog na ako sa iyo. Eh sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo eh sobra kang mabait at maalalahanin lalo na kung makilala ka pa ng tao ng lubusan, for sure, mahuhulog sila sa iyo. Tignan mo ako...
Oo, gusto na kita pero tingin ko, hanggang lihim na lang ito. Natatakot ako na baka magbago ang tingin at pakikitungo mo sa akin eh. Kaya nga kita pilit kinakalimutan kasi hindi ko kakayanin na mawala ka ng tuluyan.
Taon na tayong lubusan na magkakilala at ayaw ko namang mauwi sa wala iyon kaya pilit kitang kakalimutan kahit itong puso ko'y tumitibok na ata para sa iyo.
Ayaw kong maging Chapter Seven ka sa buhay ko dahil kung sakaling nagkatotoo man, iyon siguro ang magiging PINAKAMASAKIT.
Ayaw ko nang sumubok pang mahalin ka pagkat panigurado ako'y WALANG PAG-ASA
Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, IKAW pa? Sigh...
Sa totoo lang, matagal ko na itong nililiim sa iyo. Baka kasi mawala ka sa paningin ko...
Pipilitin ko na lang kalimutan ka sa buhay ko at tanggalan ng puwang sa puso ko. Oo, masakit itong gagawin ko, ngunit mas makakabuti ito kaysa sa sakit kapag sinabi ko sa iyo ito...
Pasensya na aking puso...tingin ko hanggang kaibigan ko lang siya...
Ang daming alam! Hahaha. da who kaya :))
ReplyDelete