Monday, April 9, 2012

That day...

I remembered...during my second year in high school...

Sunday noon...naaalala ko, hindi pa ako nakakapag-aral noon for our preliminary exam sa Technical Writing pero ayun, sumama pa rin ako sa tatay ko sa kasal ng anak(ata) ng friend nya kung saan siya invited. 

During the mass, sobrang concentrated ako ng biglang mapalingon ako sa isang "Angel". Grabe, na Starstruck ako ng sobra sobra. Ang GANDA niya! Sa mga panahong iyon, nahati na ang atensyon ko, ung isa sa mass, ung isa sa kanya. Gustuhin ko man magconcentrate sa mass, di ko talagang mapigilang tumingin sa kanya. Ang GANDA kasi eh. Parang Anghel. Naaalala ko pa, nakasuot siya noon ng kulay na gray na damit :D

Hindi na talaga naalis ang atensyon ko sa kanya. Kahit sa reception, hinahanap ko siya. Minsan wala, minsan nandun. Naaalala ko din, dun sa reception, kumanta si Kyla! Ang ganda niya at ang galing galing pa! pero anyways, nasa "anghel" parin ang naging atensyon ko pero sobrang dalang ko siya nakita sa reception...hanggang nawala na siya ng tuluyan. :( Hindi ko man lang siya nakilala.

Naging memorable iyong pangyayaring iyon lalo na kapag naririnig ko ang kantang "The Gift" ni Jim Brickman kasi kinanta yoon sa reception :))

Sobrang sayang lang at hindi ko siya nakilala...Sayang... :(

1 comment: